Tuesday, December 6, 2016

Ooops! Trending...

A Ghost In Trinoma? Spooky Story Went Viral On Social Media

It may be Christmas time soon but scary stories choose no season, especially if the story is set up in one of the popular places during Christmas in the Philippines -- Trinoma.

If you have goosebumps when you're in Trinoma parking lot, you may not be alone. This story posted on Facebook by horror stories page, Spookify, tells the story of Joy, Cjay, Bev, and Leng

The group went to Trinoma to deliver a sample to a client. Leng and Joy were the ones who delivered the sample while Bev and Cjay stayed inside the car to wait for them.

They got lost at first but they eventually met their client, thanks to a guard who told them the right place. They thought it would be only be the time they would get lost but they were wrong.

Read their whole story to get more goosebumps:

 Ako si Joy si Cjay at si bev. Papunta kaming trinoma that time para magpasa ng sample ng floor drain sa ka deal ni joy. Medyo traffic kaya nagaalala kami na baka magsara na yung mall. Kanina pa din naghihintay yung kikitain namin. Nagmamadali kaming pilit. Gutom na din ako. Malalim na ang gabi at uwing uwi na kami agad.

Bago palang pumasok pa parking area naaliw na ako sa itsura nito na para bang hindi pa ako nakapunta dito noon. 'Joy ang ganda pala ng trinoma no?' Sabi ko sa pinsan ko. "Ha? Baliw ka na ba? Ano sinasabi mo?" Sabay pagtataka. Agad agad kong kinuha ang camera ko at vinedeo ang buongpaligid.

Pagkapark namin. Malikot pa din ang mata ko. Sinita ko pa yung katabing sasakyan na balabag ang pagkapark at sabi ko pa "Bobo naman magpark neto oh" sabay turo sa kanila. Agad agad kaming bumaba ni Joy para mahatid na yung sample at makakain na at makauwi na rin. Nauna na kami ni joy dahil mamimili sila Cj at Bev.

Kalahati pa lang ang nalalakad namin mula sa sasakyan ng tinanong ako ni joy at ang sabi ay "Leng, tatawagan ko yung kadeal ko anong floor ba tayo." Lumingon ako at nakita ko ang nakapaskil na L3 sinagot ko sya agad "Joy, 3rd floor." "Sigurado ka?" Sabi nya sabay lingon nya para siguraduhin. Dumerecho lang kami ng lakad hangang sa makapasok na kami sa loob ng mall. Sa dinaraanan namin ay pinapansin ko pa yung nike, taco bell atbp.

Pagdating sa escalator na pagkikitaan nila joy. Naghantay kami saglit pero wala dun yung kameet nya. Tinawagan nya na ulit upang tanungin kung nasaan ba? Ang sabi nito ay nasa escalator ng 3rd floor sya. Tinanong na namin sa guard kung saan yung 3rd floor ang sagot ng guard akyat kayo jan sa escalator maam.

Pagkaabot ng sample at kaunting usapin ay natapos na ang deal nila. Bumaba na kami ulit. Tinawagan ni joy ang telepono nila bev pero walang sumasagot para sana dito nalang kami kumain sa mall. Nakailang tawag din pero hindi sinasagot. Kaya napagdesisyunan na namin na pumunta nalang sa sasakyan dahil nandun na din naman ang mga yun malamang kasi nagsasara na ang mall.

Habang papabalik na kami napansin ko ulit yung taco bells, nikey at picture ni cara. Dumaan kami sa guard at nakalabas na din ng parking area.

Sa parking area nagtaka kami na parang nagiba ito at parang walang masyadong tao samantalang pasara na ang mall. Tuloy lang kami sa paglalakad. Inikot ang buong paligid. Pero wala ang sasakyan. Panay na din ang tawag namin sa kanila pero hindi pa din sinasagot. Baka pinagtripan kami at lumipat ng parking. Tinext namin sila at ang sabi nasa mindanao parking. Paikot ikot at nagtataka kung bakit wala sila.

Tutuloy na sana kami sa dulo ng parking lot. Walang ksing dilim. Pero parang angsarap pumunta dun. Kahit imposibleng nandoon yung sasakyan namin. Hahanapin namin dun. ng may lumabas na guard sa likod namin at para kaming nagising sa pagkalutang.

"Kuya, Nasaan ba yung midanao parking." Sabi ni joy.
"Ay sa baba yun. L2 !" Sabi ng guard.
"Tignan mo pinagtripan pa tayo." Sabi ni joy sakin.
"Kaya nga. Gutom na ko." Sabi ko naman.
"Magelevator nalang po kayo dito maam" sabi ng guard
At hinatid kami sa elevator.

Sa elevator nakapagtatakang nakalayo samin lahat ng ga nakasakay dito. Samantalang ang luwag luwag naman. Hindi na namin pinansin. Pero iba ang tingin ng mga sales lady. Hinayaan nalang namin.

Paglabas ng elevator derederecho kami na parang lutang. Binusinahan at tinawag kami nila Cjay at Bev. "Oh san kayo pupunta." Pasigaw na sinabi ni cJay at nagtaka kami na nagmula kmi sa baba. Paglapit ko sa sasakyan. Nagulat ako nung nandun pa din yung sinita kong nakasalansan na park kanina. "Joy, Tignan mo dito talaga to nakapark." Sabi ko kay joy. Hindi na sya umimik.

Umalis na kami ng walang nagsasalita. Hanggang paglabas ng mall. Ako ang nagsabi. "Kanina pa kami paikot ikot. Bakit parang nagiba kayo ng park". "Kanina nakita nmin kayo! Lumingon ka pa nga leng e nakakatakot yung pagngiti mo. pero di nyo kami pinapansin." Sabi ni bev "huh? Lumingon ako? Ni anino ng sasakyan di namin nakita talaga kanina. Hinalughog na namin lahat." Sabi ko. kinilabutan na kami. Ang sabi pa ni joy "Tumawag ako naka 15 missed calls ako bakit kasi hindi nyo sinasagot?" "ate joy, wala kahit isa oh" pinakita nila ang bawal cellphone nila. Kay joy na may misscall at kay bev na wala ni isang tawag. "Binubusinahan pa nga namin kayo e. May kasama pa nga kayo eh na babaeng matanda at 2 lalaki may dalang mga plastic. Tsaka sN kayo pupunta bakit nagmula kayo sa baba?" Sabi ni bev. Kinilabutan na kami. "Babae? Lalaki? Bev wala!". Sabi ni joy. "Meron te joy kasama nyo pa ngang lumabas ng elevator. Nauuna pa nga sa inyo at parang sasamahan nyo pa e!" Sabi pa nito. Para kaming binuhusan ng kumukulong tubig sa takot. Bigla kong naisipang panoodin ang video at nakita ko may matandang babae Ang nakasakay sasakyan. Pagdating namin sa harap nya ay binuksan nya yung salamanin ng sasakyan nya. "Bev ito ba?" Tanong ko sa kanya. "Yan nga." Sabi ni bev

Umuwi kami at dumerecho sa lola naming mangagamot. Sa tuwing nangagamot sya ay tinitignan nya ang linya ng palad at hinliliit kapag hindi nagpantay ito. Maaaring na engkanto o lamang lupa ka kung kaliwa o nakulam ka kung kanan. Hindi na ko masyadong sure. Sa kanan ba o kaliwa. Paglapad ng mga daliri hindi ito nagpantay nagpatawas kami at sabi ng lola namin naengkanto kami. Ginamot nya kami at pinayuhan na bumili ng pangontra. Dahil madalas kaming makakita ni joy ng mga espiritu.

Isa lamang to sa mga nakakatakot na indidente sa aming buhay. Pero ito parin ang hindi ko mapaniwalaan. Huh? Sa trinoma? Huh sa manila? May engkanto??? Parang hindi bagay pero totoo.


Makalipas ang ilang araw. Nagresearch ako sa internet tungkol sa parking lot ng trinoma madami na din palang nahulog dito. Ang tanong nahulog ba talaga sila? O may nanghulog sa kanila?

Source: Spookify
Subscribe to this Blog via Email :